HULI sa bitag ang isang lalaki na itinuturing na most wanted New People’s Army rebel sa Caraga region, na may mga kaso ng pagpatay, matapos ang ikinasang law enforcement operation ng Philippine National police at Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Brig. Gen. Alan Nazarro, PNP-Police Regional Office-Caraga (PRO-13) director, nahuli sa ikinasang law enforcement operation ang communist rebel na kinilalang si “Rudy Amara,” 31, napaulat na vice commanding officer ng NPA Guerrilla Front 30.
Naaresto ito sa Carmen, Surigao del Sur ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya.
“Amara faces six counts of murder, five counts of frustrated murder, three counts of attempted murder, and a charge of slight illegal detention,” ani Nazarro.
Si Amara ay second top communist priority target at second most wanted person ng Caraga Region. (JESSE KABEL RUIZ)
47