OPERATORS NG LUMUBOG NA 2 TANKERS KINASUHAN NG PCG

NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo.

Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis para sa kaligtasan at pag-alis sa daungan nang walang pre-departure inspection at clearance mula sa PCG.

Parehong mga paglabag sa ilalim ng PCG Memorandum Circular (MC) 05-12 at MC 07-12, ayon sa pagkakasunod.

Kasalukuyang nakadaong ang MV Mirola 1 sa Diving Industry Shipyard sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan, at kasalukuyang nanatili sa kustodiya ng PCG Station Bataan.

Inatasan ang operator ng nasabing barko na magsumite ng katibayan ng ownership bilang bahagi ng due process.

Sa kabilang banda, ang MTKR Jason Bradley ay nakadaong sa Orion Dockyard sa Orion, Bataan matapos matagumpay na napalutang noong Setyembre 25 at sumakay ang mga tauhan ng PCG, National Bureau of Investigation, at Bureau of Customs (BOC) para sa oil sampling.

Nakipag-ugnayan ang PCG Station Bataan sa BOC para matiyak ang tamang imbentaryo at makakuha ng warrant of seizure at detention para sa barko.

Nasaksihan din ng mga tauhan ng Vessel Safety Enforcement Inspection at Marine Environmental Protection ang proseso ng imbentaryo.

Ang MTKR Jason Bradley ay kasalukuyang nananatili sa ilalim ng kustodiya ng PCG unit sa Orion, Bataan. (JOCELYN DOMENDEN)

56

Related posts

Leave a Comment