P1.56-B AGRIKULTURA SINIRA NG BAGYONG ‘AMBO’

UMABOT na sa P1.56 bilyong mula sa dating naiulat na P1.14 bilyon ang nasira mga panananim na dulot  ng bagyong Ambo na tumama sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), ang nasabing halaga ay katumbas ng 69,935 MT na nasira sa agrikultura.

Tinatayang aabot ng 28, 476 ektaryang sakahan ang naapektuhan ng bagyo, na may 45,430 magsasaka at mangingisda.

Ang pagtaas umano ng halaga ng kabuuang nasira at nawala dulot ng bagyong Ambo, ay dahil sa mga bagong ulat mula sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas Regions.

Kasama na sa nabanggit na halaga ang ulat mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) ngunit kailangan pang isailalim sa validation.

Sa high value crops ay may naitalang pinakamatinding nasira na 73% (P1.13-B) na kinabibilangan ng mga saging (P726.23-M), papaya (P214.98-M) at  iba’t ibang prutas at gulay na may halagang P191.64 milyon.

Sinundan ng bigas, 15% (P238.77-M), mais, 8% (P126.03-M), palaisdaan, 3% (P41.06-M) at halagang hayop (livestocks) na 1% (P23.44-M).

Dahil dito, ang DA sa pamumuno ni Secretary William Dar, ay patuloy na naghahatid ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng bagyong Ambo.

Kabilang dito ang Quick Response Fund (QRF) na may halagang P700 milyon para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan na lugar; prepositioned rice seeds (109,586 bags), corn seeds (10,116 bags), assorted vegetable seeds (1,195 kg), mula CAR, Regions 1, III, IV-A, V, VI, VII at VIII; prepositioned drugs at biologist para sa mga alagang hayop at pangangailangan ng poultry. (JOEL O. AMONGO)

73

Related posts

Leave a Comment