P117K NG POULTRY SUPPLY SHOP ITINAGO NG DELIVERY BOY

CAVITE – Swak sa sa kulungan ang isang delivery boy ng isang poultry supply shop nang tangkain nitong ibulsa ang P117,000 na kita ng tindahan sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Dave”, ng Brgy. Caluagana, Magallanes, Cavite, dahil sa reklamo ng kanyang amo na si alyas “Cris”, may-ari ng poultry supply shop.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga nang dumating si Cris sa tindahan at sinabi sa kanya ng kanilang kahera na si “Rose” na nawawala ang P117,000 na kita ng tindahan sa Bendita 1, Magallanes, Cavite, na inilagay sa backpack habang dala ng suspek nang ihatid siya nito sa kanilang bahay lulan ng motorsiklo.

Agad namang nakipag-ugnayan si Cris sa mga awtoridad na ininspeksyon ang motorsiklo ng suspek kung saan nakita sa compartment nito ang nasabing halaga na nagresulta sa pagdakip kay Dave. (SIGFRED ADSUARA)

48

Related posts

Leave a Comment