(NI NICK ECHEVARRIA)
UMAABOT sa kabuuang P 122,400,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad ng Philippine National Police (PNP) sa Cebu, Linggo ng madaling araw.
Nalambat ang milyun-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cebu City PS7, Cebu CPO ganap na ala-1:30 ng madaling-araw sa Fatima Homes Bgy. Inayawan, ng nabanggit na siyudad.
Arestado naman ang suspek na si Elymar Tampos Ancajas na nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165.
Narekober mula sa nadakip na suspek ang 18 kilo ng shabu.
Ang pagkaaresto sa suspek ay resulta ng patuloy na pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga tinaguriang High Value Targets at sa mga sindikato ng ilegal na droga sa bansa.
136