MAHIGIT P13 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang Municipal Police Station (MPS), sakay ng MV Queenshaima sa Alayon Fish Port, Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu
Base sa ulat ng PCG, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Eastern Sulu (CGSES) mula sa isang Imbih Usman na siyang naka-duty bilang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team, kaugnay sa kahina-hinalang indibidwal sa panahon ng embarkation inspection.
Agad itong pinuntahan ng CGSES at MPS Luuk at nadiskubre ang
21 heat-sealed transparent plastic bags na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 2,000 gramo at may kabuuang halaga na P13.6 milyon.
Natagpuan din ang identification cards na nasa pangalan nina Alwinir Kabran ng Luuk, Sulu, at Almunawwal Jamil ng Estino, Sulu.
Gayunman, walang nadakip na mga suspek sa nasabing operayon.
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing ilegal na droga. (RENE CRISOSTOMO)
61