P162.7-M SUPPLEMENTAL BUDGET NG BULACAN, PASADO NA

PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang P162.7 milyong supplemental budget bilang karagdagang pantustos sa mga pangangailangan sa paglaban ng pamahalaang panlalawigan sa coronavirus disease.

Ayon kay Bise Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado, nagmula ang pera sa Bayanihan Grant to Provinces ng Department of Budget and Management.

Ipinaliwanag ni Alvarado, layunin nito na agapayan ang mga pamahalaang lokal para sa mga gastusin upang matustusan ang mga pamamaraan ng pagtulong sa mamamayang Bulakenyo ngayong may pandemya.

Base sa inihaing talaan ni Gobernador Daniel Fernando ng mga gagastusan, ang pinakamalaking bahagi ay ilalaan sa maintenance and other operating expenses na nagkakahalaga ng P89.3 milyon para sa medical supplies, P29.5 milyon para sa drugs and medicines supplies at P5.7 milyon para sa pagkukumpuni ng mga pasilidad na kakailanganin bilang isolation facilities.

Kabilang naman sa capital outlay ang P16.3 milyon para sa karagdagang hospital equipment partikular para sa operasyon ng Bulacan Infection Control Center habang P11.5 milyon naman ang para sa pagtatayo ng isang Bio-Molecular Laboratory. (ELOISA SILVERIO)

96

Related posts

Leave a Comment