P230-M COCAINE NALAMBAT SA SURIGAO

cocaine

UMAABOT sa 34 bloke ng hinihinalang cocaine na tinataya sa P230 milyon ang halaga ang nakuhang lumulutang sa Tandag, Surigao del Sur, Linggo ng umaga.

Dalawang mangingisda ang nakakuha sa bloke na nakalagay sa itim na plastic bag sa Barangay Bongtud bandang alas-6:00 ng umaga, ayon kay Caraga police director Chief Supt. Gilbert Cruz.

Agad namang isinuko sa awtoridad ang napulot dahil alam na umano ng mga mangingisda ang gagawin sakaling makakita ng kahina-hinalang kahon na palutang-lutang sa dagat.

Nang buksan, nakita ang dollar sign na nakatatak sa 34 pinaghihinalaang cocaine. Agad ding dinala ang mga ito sa police crime laboratory upang matiyak kung cocaine ang mga ito.

Nauna rito, may P200 milyong halaga ng cocaine ang nakita sa Siargao Island gayundin sa mga karagatan sa Dinagat Island at Quezon province gayundin sa Camarines Norte.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na posibleng ibinabagsak sa Pilipinas ang mga kontrabando bago ire-repack para dalhin naman sa Hong Kong, Taiwan, China at iba pang karatig bansa.

6

Related posts

Leave a Comment