P27-M TULONG NG DSWD SA VIS-MIN LANDSLIDE VICTIMS UMARANGKADA NA

PARA tulungan ang mga biktima ng kalamidad, umarangkada na ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit P27 milyong halaga ng relief assistance na naipamahagi ng ahensya sa mga residente na naapektuhan ng flashflood at landslides, sanhi ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) at southwest monsoon sa mga bahagi ng Mindanao at Visayas region.

“The DSWD, through our field offices in the different regions in Visayas and Mindanao, are continuously sending food and non-food items (FNIs) to families and individuals affected by heavy rainfall, flash floods, and landslides,” sabi ni DRMG Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao.

Sinabi sa ulat, ang relief assistance na ibinigay ng DSWD field offices ay family food packs (FFPs), non-food items, kabilang ang financial assistance.

Naglalaman ng essential food items ang FFPs, kabilang ang bigas, delata, kape at iba pang pangangailangan na makatutugon sa bawat pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

“Our field offices have been in quick response mode as per the directive of Secretary Rex Gatchalian. He ordered the regional directors to dispatch FFPs for the affected families immediately,” dagdag pa ng tagapagsalita ng DSWD.

Nabatid sa pinakahuling report ng Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC), may kabuuang bilang na 34,883 pamilya o 174,173 indibidwal sa 176 barangays sa Regions 6 (Western Visayas), 9 (Zamboanga Peninsula), 11 (Davao Region), 12 (Soccsksargen), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pawang apektado ng mga pag-ulan at baha.

Kaugnay nito, umabot sa 54,729 families o 265,806 persons naman sa 175 barangays sa Regions 9, 12 at BARMM ang apektado ng Habagat.

Sa kasalukuyan, may P2.7 billion stockpiles at standby funds ang DSWD Field Office para umagapay sa mga pangangailangan ng apektadong mga residente. (PAOLO SANTOS)

87

Related posts

Leave a Comment