P3.4-M SHABU NASABAT SA BIGTIME TULAK

CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang bigtime na tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon.

Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police Station ang suspek na si alyas “Zahura”.

Ayon sa ulat, bandang alas-01:15 hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office (RO) National Capital Region (NCR), PDEA RA IV-A RSET, Regional Police Drug Enforcement Unit 4A at Bacoor Component City Police sa Molino 2, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa susek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3,400,000. (SIGRED ADSUARA)

3

Related posts

Leave a Comment