P40-M SHABU NASABAT SA BOHOL

BOHOL – Sa gitna ng pandemyang ng COVID-19 sa bansa ay tuloy pa rin ng counter illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency patunay ang mahigit P40 milyong halaga ng shabu na nasabat ng mga operatiba nito kasama ang Bohol Provincial Police Office sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan.

Unang naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, Tagbilaran City na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na mga suspek at nakumpiska ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang P13.7 milyon ang market value.

Sa hiwalay na operasyon sa Talibon, Bohol, nakipagkita naman ang isang drug pusher sa isang operatiba na nagresulta sa pagkakakumpiska sa apat na kilo ng shabu na tinatayang nasa P27.2 milyon ang halaga. (JESSE KABEL)

67

Related posts

Leave a Comment