P400-M NG DOT ILALAAN SA REHAB NG BURNHAM PARK

(NI KIKO CUETO)

LALAANAN ng P400 na milyon ng Department of Tourism ng P400 ang rehabilitasyon sa Burnham Park sa Baguio City.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kabilang sa kanilang plano ang pagsilip sa sewerage system sa Burnham.

Plano nilang i-develop ang itsura ng mga pasyalan sa 34 na ektaryang complex.

Ang nasabing park ay kilala sa pagbibisikleta, mga picnic at pamamangka sa isang lagoon.

“What’s more important is we discussed wala nang cutting of trees and no more new buildings kasi crowded na yung Baguio,” ani Puyat.

Taliwas naman ito sa kumalat na balita na gagawing parking lot ang Burnham Park dahil sa pagdami ng mga sasakyan at lumalalang trapik sa lungsod.

Target din ng ahensiya na gawing pedestrianized ang ilang area sa Baguio para maengganyong maglakad ang mga tao sa halip na magsasakyan.

Maging ang mga local market ay ire-rehabilitate at gagawing smart city ang Baguio.

Nangako rin si Puyat na ide-develop ang mga katabing munisipalidad para magpunta rin doon ang mga tao at hindi lahat nagsisiksikan sa Baguio.

 

225

Related posts

Leave a Comment