P750-K SHABU KUMPISKADO SA BUY-BUST SA SBMA

OLONGAPO CITY – Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Olongapo City PNP sa loob ng Subic Bay Freeport Zone noong Huwebes.

Base sa report na isinumite ni PCOL Benjamin de Leon Sembrano, isinagawa ng Olongapo City Police Office Drug Enforcement Unit sa pakikipagtulungan ng SBMA Law Enforcement Department ang buy-bust operation sa Phase 1 Subic Bay Gateway Park, SBFZ.

Nadakip ang mga suspek na sina La-Verne Gabriel y Echalar, residente ng Cabalan sa naturang lungsod at Elmer Padel Sr. y Lila na residente naman ng bayan ng Subic matapos makumpiska sa kanila ang tatlumpu’t tatlong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P750,000.00 at tumitimbang ng 151.35 gramo.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. JAY-Czar LA TORRE

217

Related posts

Leave a Comment