P9.8-M DROGA NASAMSAM SA 2 RAID SA QUEZON

QUEZON – Umabot sa P8.6 milyong halaga ng cocaine at P1.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang bigtime drug operation sa lalawigang ito.

Nasamsam ng mga tauhan ng PDEU-Quezon, PDEA4A-Quezon, at Lucena PNP, ang P7.7 milyon na halaga ang cocaine sa buy-bust operation sa Lucena City noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng PRO 4A- CALABARZON, natimbog ang isang babaeng “high-value” drug trafficker sa operasyon sa Barangay Ibabang Dupay dakong alas-9:40 ng umaga.

Ayon sa pulisya, nakuha sa suspek ang isang sachet at apat na plastic ng cocaine  na may timbang na 489 grams at may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P2,591,700 at may street value na P7,775,100 .

Ito ang ikalawang malaking buy-bust sa lalawigan ng Quezon ngayong linggo.

Noong Martes ng gabi, nasa P950,000 halaga ng cocaine  ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion 61, sa bayan ng  Real.

Ayon sa mga awtoridad, nakuha sa 45-anyos na suspek na si alyas “Palit” ang 59.78 gramo ng powder substance na hinihinalang cocaine na may DDB Value na P316, 834, at street value na P950,502.

Bukod sa cocaine, nakuha rin dito ang 59.02 gramo ng hinihinalang shabu na may DDB Value na P407,660 at street value na P1,222,980.00. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment