BATANGAS – Napigilan ng mga awtoridad ang tangkang pagpuslit ng 1.8 milyong litro ng krudo mula sa isang barko na naka-angkla sa Batangas International Port noong madaling araw ng Miyerkoles.
Huli sa akto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at mga miyembro ng Batangas Maritime Police Station (MARPSTA) ang paglilipat ng kargang krudo mula sa naka-dock na barkong MTKR Cassandra sa katabi nitong apat na tanker truck sa loob ng port dakong alas-3:45 ng madaling araw.
Nakita rin ang malalaking hose na nakakonekta mula sa barko papunta sa mga tanker truck.
Ayon sa mga awtoridad, tinatayang nasa P90 milyon ang halaga ng ipupuslit sanang krudo.
Nabatid sa imbestigasyon sa 71-anyos na kapitan ng barko na si Daddie Antonio, nakuha nila ang krudo mula sa isang hindi natukoy na foreign vessel at isinalin sa kanila ang laman sa gitna ng laot.
Wala naman itong maipakitang anomang dokumento katulad ng ‘notice to engage in the downstream oil industry business’ mula sa Department of Energy para sa kanilang kargamento.
Wala ring maipakita ang mga itong anomang registration ng kanilang barko mula sa Marina.
Pansamantalang ikinustodiya ng mga awtoridAd ang kapitan at 11 crew nito at kinumpiska rin ang krudo para para sa imbentaryo at karagdagang legal action.
Nakaalis naman ang mga driver ng apat na tanker truck. (NILOU DEL CARMEN)
45