Paalala ng DOH Calabarzon MAG-INGAT SA SAKIT DULOT NG TAG-ULAN

0

NAGPAALALA ang Department of Health Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na mag-ingat ang mamamayan sa samut-saring sakit na dulot ng panahon ng tag-ulan.

Ito ay makaraang pormal nang ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAG-ASA na papasok na ang bansa sa rainy o wet season.

Ayon sa DOH4-A, dapat palakasin ang resistensya upang malabanan ang mga sakit na dulot ng ulan tulad ng pagtatae, mga sakit mula sa maruruming tubig kabilang ang typhoid fever, cholera, leptospirosis at sakit na dala ng lamok tulad ng malaria at dengue

Ang pagtatae ay kadalasang sanhi ng bacterial, viral at parasitic organisms.

Ang typhoid fever naman ay isang infectious disease na dahil sa kontaminadong pagkain at inumin na naka-close contact sa isang tao na may dala rin nito.

Ang cholera naman ay isang acute intestinal infection sanhi ng pagkain o tubig na kontaminado ng Vibrio Cholera bacteria na sanhi ng pagtatae na maaaring mauwi sa dehydration at pagkamatay.

May mga sakit din na nakukuha galing sa mga hayop tulad ng leptospirosis. Isa itong bacterial infection sanhi ng dumi at ihi mula sa daga na maaaring maikalat sa lupa, tubig, mga pananim tuwing may pagbaha. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment