ITINANGGI kahapon ng Philippine National Police ang sinasabing planong pagbuhay ng “Alsa Masa” vigilante group upang mapalakas ang suporta ng komunidad sa kampanya kontra krimen.
Sa halip, paglilinaw ni Calabarzon police director, Chief Supt. Edward Carranza, palalawakin nila ang Community Mobilization Project (CMP), ang intelligence gathering system na unang inilusad sa rehiyon.
Sinabi naman ni PNP Directorial Staff deputy director General Camilo Pancratius Cascolan, ang CMP ay bilang pagpapabuti lamang ng police partnership sa publiko sa pamamagitan ng pagpapahintlot sa kanila sa pagsasagawa ng citizen’s arrests,
“‘Wag silang mag-worry, dahil ito po ay dinadala ng 5 pillars ng criminal justice: law enforcement, prosecution, courts, community and rehabilitation. Everybody works as one.They have only one strategy, they have only one plan. And they are focused into one objective, that is peace and order in their community,” ayon kay Cascolan.
Magugunitang, binuo noong 1980s sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos, ang Alsa Masa at sinasabing lumabag sa mga karapatang pantao sa Mindanao.
Ngunit ayon kay Cascolan, gagamitin lamang nila ang mabuting aspeko ng Alsa Masa sa Community Mobilization Project.
“Ang Alsa Masa nakatulong naman noong 1980s din. Ang siguro lang na mali, na-mishandle ng iba, at the same time noong medyo kumawala na ang kalaban, nagamit naman sila ng ibang mga tao na hindi kanais-nais ang mga motibo,” dagdag pa ni Cascolan.
248