PAGPATAY SA MAGUINDANAO VICE MAYOR KINONDENA

TAHASANG kinondena ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pananambang at pagpatay kay South Upi, Maguindanao Del Sur Vice Mayor Roldan Benito at sa driver security nito.

Una rito, inatasan ni SILG Abalos ang Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa militar para tugisin ang mga suspek sa insidente.

“We strongly condemn the ambush-slay of South Upi, Maguindanao Del Sur Vice Mayor Roldan M. Benito and one of his companions, Weng Marcos, on Friday afternoon in Sitio Linao, Barangay Pandan. We will do our utmost to seek justice for the victims,” ayon sa kalihim.

Magugunitang nitong nakaraang Linggo ay tinambangan ang vice mayor at kasama nito na si Weng Marcos sa Sitio Linao, Barangay Pandan.

Nangako ang kalihim na gagawin ang lahat para makamit ang hustisya para sa mga biktima at mahubaran ng maskara ang utak sa pagpatay.

(JESSE KABEL RUIZ)

82

Related posts

Leave a Comment