PAHINANTE NA-SANDWICH SA DUMP TRUCK

0

LAGUNA – Patay ang isang pahinante matapos na maipit sa pagitan ng dalawang dump truck sa national highway sa Barangay Imok sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Romy Lazarito, 42-anyos, residente ng Noveleta, Cavite.

Batay sa report ng Calauan Police, ang biktima ay naipit sa dalawang Sino dump truck na parehong pag-aari ng kanilang trucking services.

Nasiraan umano ang isa sa dump truck at tumawag ang driver sa ikalawang dump truck na sinasakyan ng namatay na pahinate, para magpatulong sa pagpapalit ng goma.

Habang kinukuha ng biktima ang reserbang goma sa likod ng nasiraang truck, biglang umabante ang kanilang dump truck na nakahinto sa likuran ng una.

Bunsod nito, naipit ang mga binti ng biktima sa mga bakal sa pagitan ng dalawang truck na nagdulot ng grabeng sugat.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng umabanteng truck at sasampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment