Panalangin sa Eid’l Fitr, sinabayan ng pagsabog 2 BATA PATAY, 8 SUGATAN

MAGUINDANAO – Dalawang bata ang namatay habang walo ang sugatan sa pagsabog sa gitna ng kanilang pagdarasal kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr nitong Lunes sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga namatay na sina Aslamiah Tambak,10, at Sadam Tambak, 7, habang ginagamot naman sa ospital ang walong sugatan na pawang mga residente ng Brgy. Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Musib Tan, bago ang pagsabog ay nagkasagupa umano ang militar at BIFF sa Brgy. Elian, hindi kalayuan sa naturang barangay.

Sinabi ng mga residente, nagdarasal sila nang bigla silang nakarinig ng pagsabog ng mortar at pagkaraan ay nakita nilang patay na ang dalawang bata habang sugatan ang walong iba pa.

Hustisya ang hiling ng pamilya ng mga biktima sa gobyerno at mapanagot ang responsable sa insidente. (ANNIE PINEDA)

66

Related posts

Leave a Comment