PERA KAPALIT NG YES SA BOL

bol

(NI BONG PAULO)

IKINABAHALA ngayon ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ang pamamahagi umano ng ID ng grupong Bangsamoro Movement for YES sa mga botante ng Cotabato city.

Ang nakapagtataka pa, ayon kay Mayor Guiani, kapareho ng datos na nasa Comelec ang datos na makikita sa ID gaya ng picture ng botante, pangalan, clustered precinct at posisyon.

Sinabi ni Guiani na nakausap niya ang ilan sa mga nabigyan ng naturang ID at nagtataka rin aniya ang mga ito kung bakit binigyan sila ng ID gayung hindi naman umano sila nag-apply para mapabilang sa naturang grupo.

Nabatid na may lagda nina Maguindanao 1st District Rep. Bai Sandra Sema, Muslimin Sema ng MILF at Sonny Almansur ng MILF-BIAF ang mga ID.

Samantala, inamin naman ni Congresswoman Sema na mayroon ngang grupong Bangsamoro Movement for YES ngunit mariin nitong itinanggi na namimili ng boto ang grupo.

Ayon kay Sema, ang naturang grupo ay karaniwang binubuo ng magkaka-pamilya at magkakamag-anak kaya aniya, personal at hindi politikal ang naturang grupo.

Sa panig naman ng MILF-BIAF, sinabi ni Sonny Almansur na lihitimo ang kanyang lagda sa naturang ID ngunit ang tanging layunin lang ng grupo ay para ikampanya ang YES to BOL at hindi para mamili ng boto.

12

Related posts

Leave a Comment