PHIVOLCS NAGLAGAY NG SEISMIC INSTRUMENT SA DAVAO DEL SUR, MT. APO

(NI DONDON DINOY)

STA. CRUZ, Davao del Sur –Isang seismic instrument ang inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) sa lugar upang ma-monitor ang pagalaw ng lupa.

Ang earthquake monitoring equipment ay inilibing sa compound ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang tingnan ang paggalaw ng lupa sa Davao del Sur at mga karatig na lugar.

Inabisuhan din ng PhiVolcs ang mga residente na manatili muna sa mga open space dahil posibleng marami pang mararanasan ng mga aftershocks sa Mindanao.

May lalim na isang kilometro ang kinalagyan ng instrument at isa itong solar-powered na siyang mag-monitor sa pagalaw ng lupa lalo pa at nakita ng PhiVolcs na may mga fault line sa Brgy. Inawayan at Darong sa nasabing lugar.

Sinabi rin ng PhiVolcs na isa pang seismic instrument ang kanilang inilagay sa Mt. Apo bagama’t nilinaw nito na walang dapat ikabahala ang publiko.

Dagdag ng seismic weather bureau, na tinitingnan na rin nila kung hindi nakaaapekto sa Mt. Apo ang sunud-sunod na malalakas na lindol lalo pa at kinikonsidera ito na ito na isang potential active volcano.

Ngunit hindi pa masabi ng mga eksperto kung ano ang dahilan ng mga lindol sa Mindanao kaya paalala nila sa publiko na mag-ingat dahil posibleng hanggang sa buwan ng Disyembre pa mararanasan ang mga pagyanig.

 

245

Related posts

Leave a Comment