PNP-PRO5 strikes again 3 DRUG TARGETS NAPATAY, P1.7-M SHABU NASABAT

0

“IT was a tall order, but we made it,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na mapatay ng kanyang mga tauhan ang tatlong drug personalities sa inilunsad na anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakasamsam sa P1.7 milyong halaga ng shabu sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay.

Sa report na ibinahagi ni P/Brig. Gen. Estomo, kinilala ang mga napaslang na hinihinalang mga drug dealer na sina Ramon Mutoc alyas “Omar,” Bahala na Gang member, high value priority target, naninirahan sa Saint Louis Compound 5, Malinta, Valenzuela City; Jose Maria Arvin Samson Bautista ng Saint Louis Compound 5, Malinta, Valenzuela City, at isang hindi pa kilalang kasamahan, pawang mga miyembro umano ng drug group.

Ang nasabing mga suspek ay mga couriers/dealer umano at focal person sa drug trade sa lalawigan ng Albay at hinihinalang ang kanilang supply ay mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City at nire-repack sa Valenzuela City.

Ayon kay P/Major Malu Calubaquib, bandang alas-12:45 ng tanghali noong Martes, isinagawa ang buy-bust operation sa Purok 4, Barangay Busac, Oas, Albay ng mga tauhan ng Albay Police Provincial Office, sa pamumuno ni P/Col. Arnold C Santiago, Provincial Director, sa pangunguna ng Oas MPS bilang lead unit, sa pamumuno ni P/Lt. Victor C. Borjal, katuwang ang Polangui MPS; Police Intelligence Unit-Albay; 93rd SAC; 1st at 2nd Albay Police Mobile Force Company, RID RSOU5; ODRDO-RPEDEU5, at 502nd RMFB.

Matagumpay na nakabili ng 10 gramo ng hinihinalang shabu ang poseur buyer ng PNP mula kay Mutoc at sa dalawa pa nitong kasamahan kapalit ang P40,000 halaga, sa Purok 4, Barangay Busac habang nakasakay sa isang Suzuki Ertiga patungo sa siyudad ng Legazpi, Tabaco at probinsya ng Catanduanes.

Matapos ang palitan ng bayad at drug items, napansin ng mga suspek na isang bitag ang transaksyon kaya agad na pumalag ang mga ito.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga operatiba na naging hudyat ng pagresbak ng putok ng mga pulis na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng tatlo.

Itinakbo sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital ang mga suspek ngunit idineklarang dead on arrival ang mga ito ni attending physician, Dra. Agnes Perez.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistola at dalawang kalibre .38 revolver.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment