‘POLICE ASSET’ ITINUMBA

CAVITE – Patay ang isang 19-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang mapagkamalang police asset ang biktima sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Namatay habang ginagamot sa Binakayan Hospital ang biktimang si Louie Angello Vallada ng Bacoor Cavite dahil sa mga saksak sa katawan habang arestado naman ang suspek na si Orlando Garcia, 52, at pinaghahanap ang kasama nitong si Erwin Copones, 30, kapwa residente ng #228 Tabing Ilog, Bgry. Banalo, Bacoor City.

Sa ulat ni P/SSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police Staion, dakong alas-12:30 nitong Lunes ng madaling araw, inabangan ng mga suspek ang biktima at pinagsasaksak gamit ang icepick sa Brgy. Banalo ng nabanggit na lungsod.

Agad namang nadakip sa follow-up operation si Garcia habang nakatakas si Copones. (SIGFRED ADSUARA)

127

Related posts

Leave a Comment