POLICE FORCE SINALUBONG NG ITAK SA KOJC RAID, 6 TIMBOG

ANIM na supporters ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang arestado matapos salubungin ng itak ang mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant sa Davao City.

Ayon sa Police Regional Office XI, sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pulis laban kay Quiboloy sa Glory Mountain sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City, hinarang ang mga awtoridad ng mga tagasuporta ng pastor kaya inaresto ang anim sa mga ito.

Sinugod din umano ng mga nahuling lalaki ang mga pulis gamit ang kanilang mga itak. Dalawang menor-de-edad na armado ng patalim ang naaresto.

Nakumpiska ng pulisya ang 17 na itak at isang improvised marble gun o holen gun.

Pinalaya na ang mga suspek pero inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1829 obstruction of Justice at Batas Pambansa 6 sa pagdadala ng mga patalim. (NILOU DEL CARMEN)

50

Related posts

Leave a Comment