PULIS SAPUL SA NAG-U-TURN NA MOTORISTA

CAVITE – Sugatan ang isang pulis Cavite makaraang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang sasakyan na biglang nag-U-turn sa bayan ng Silang sa lalawigang ito.

Ginagamot sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Corporal Pinky Cammayo, nakatalaga sa Cavite PPO-PIDMU at residente sa Brgy. Mambog 1, Bacoor City, habang hawak na ng pulisya ang driver ng isang Mazda 3 Sedan (ZEA-248), na si Jaspher Andrew Agoncillo, 22, data analyst, ng Brgy. Lalaan 1st, Silang, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Aries Mendoza ng Silang Municipal Police Station, kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang Aguinaldo Highway patungo sa direksiyon ng Tagaytay City dakong alas-5:10 noong Lunes ng hapon.

Nauuna ang minamanehong Mazda ni Agoncillo ngunit pagsapit sa Brgy. Lalaan 1st ng nasabing bayan, ay bigla itong nag-U-turn.

Dahil dito, hindi nakontrol ng biktima ang kanyang motorsiklo na bumangga sa sasakyan ni Agoncillo.

Sugatan sa insidente ang biktima na isinugod sa ospital habang dinala sa himpilan ng pulisya ang driver ng kotse. (SIGFRED ADSUARA)

94

Related posts

Leave a Comment