ISINAILALIM sa state of Calamity ang buong lalawigan ng Quezon base sa isang provincial resolution.
Ito ay dahil sa laki ng pinsalang idinulot ng bagyong Kristine sa lalawigan.
Ayon sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 13,773 pamilya o nasa 46, 888 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo at nailikas sa mga evacuation center.
Kinakalap pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura at sa imprastraktura.
Ayon sa LGU, mas mapabibilis ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa pagsasailalim sa state of calamity at magagamit ang calamity fund ng probinsya.
Mahigpit din nilang ipinamo-monitor ang presyo ng pangunahing mga bilihin at ipag-uutos ang price freeze dito.
Sa ngayon, patuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaang lalawigan sa mga pinakagrabeng napinsala sa mga lugar ng 4th District o Lamon Bay area, 3rd District sa Bondoc Peninsula area, at sa 1st District na Real-Infanta-General Nakar o REINA area, kasama ang Polillo Group of Islands. (NILOU DEL CARMEN)
46