RANK 8 MWP REGIONAL LEVEL, HULI SA CAMSUR

NAGTUNGO sa probinsya ng Camarines Sur ang mga operatiba ng Silang Municipal Police Station (MPS) upang maaresto ang isang rank no.8 most wanted person, regional level, sa kasong murder noong Miyerkoles ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Silang MPS ang suspek na si alyas “Jim”, ng Brgy. Balubad 1st, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Silang MPS na ang suspek ay nagtatago sa Barangay Manguiring, Calabanga, Camarines Sur.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Andy S. De Vera, ng Regional Trial Court Branch 133, Tagaytay City, Cavite, nakipagkoordinasyon ang Silang MPS sa IG-RIU5/PIT Camarines Sur at 401st AMC at nagtungo sa nabanggit na barangay bandang alas-8:30 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para nasabing kaso ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)

48

Related posts

Leave a Comment