RAPE SUSPECT PATAY SA UMARESTONG PULIS

CEBU – Patay ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa isang 12-anyos na batang babae matapos na umano’y mang-agaw ng baril sa mga pulis na umaresto sa kanya sa bayan ng Argao sa lalawigan noong Martes.

Kinilala ang napatay na suspek na si Anthony Bautista, 40-anyos, residente ng Sityo Candabong, Argao Island.

Nangyari ang insidente nang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng Argao Police dahil sa reklamo ng ina ng 12-anyos na biktima na apat na beses umanong hinalay ng suspek.

Natagpuan ng mga awtoridad ang suspek sa national highway sa Barangay Lindogon, bayan ng Sibonga kung saan ito nagtatrabaho bilang construction worker.

Matapos maaresto at maposasan, at isasakay na sa patrol car para dalhin sa Argao Police station, bigla umano nitong hinablot ang service firearm ng isa sa mga pulis.

Sa pag-aagawan ay pumutok umano ang baril at tinamaan ang suspek.

Isinugod ito sa ospital subalit idineklara ng itong dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

50

Related posts

Leave a Comment