RAPIST NG 2 ANAK, TIKLO SA BUY-BUST

CAUAYAN City – Arestado ang isang lalaking gumahasa sa kanyang dalawang anak na babae, sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod na ito.

Nakakulong na sa lock-up cell ng San Mariano Police Station,ang suspek na hindi pinangalan, taga Santa Filomena, ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa ilegal na gawain ng suspek kaya agad inilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakuha mula sa suspek ang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, iba’t ibang ID at mahigit P2,000 cash.

Napag-alaman din na nahaharap ang suspek sa kasong panggagahasa sa kanyang dalawang anak na babae na may gulang na 18-anyos at 11-anyos na kasalukuyang buntis. (ANNIE PINEDA)

69

Related posts

Leave a Comment