Residente ‘di tumupad sa ‘new normal’ ECQ, IBABALIK SA DIGOS CITY

DIGOS City – Kinokonsidera ng alkalde nitong lungsod na muling isailalim sa enhanced community quarantine ang lugar matapos ma-obserbahan na hindi tumupad ang publiko sa “new normal” sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Mayor Josef Cagas, nakatakda siyang magpadala ng liham kay Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para hilinging huwag isali ang kanilang lugar sa utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (EID) na alisin ang ECQ at ibilang sa GCQ.

Nababahala ang alkalde na magkaroon sila ng positibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 katulad ng nangyari sa kalapit na lalawigan ng Davao Occidental lalo pa’t nasa sentrong parte ang lungsod sa Davao del Sur kung saan maraming dumaraan mula sa ibang mga lugar tulad ng Davao City at iba pang erya sa Mindanao.

“We (still) have to level up the implementation of all the protocols to prevent the virus from entering our territory,” ani Cagas.

Inabisohan din nito ang publiko na tumupad sa mga alintuntunin ng GCQ katulad ng pagsusuot ng facemask at ‘wag maging kumpyansa dahil anumang oras ay maaaring umatake ang virus.

Sa ngayon, negatibo ang resulta ng COVID test sa dalawang pasyenteng nasa isang ospital sa Davao City.

Patuloy pa rin ang pamimigay ng lokal na gobyerno ng “city funded food packs” sa mga residente ng 26 barangay kung saan 65,000 pamilya na ang unang nabigyan ng tulong at nag-uumpisa na rin ang pangalawang bahagi ng pagbibigay nila ng tulong sa mga mamamayan. (DONDON DINOY)

93

Related posts

Leave a Comment