RIDER PATAY SA NAG-OVERTAKE NA TRUCK

0

CAVITE โ€“ Patay ang isang motorcycle rider nang banggain ng isang truck nang tinangka ng driver ng huli na mag-overtake ngunit may nakasalubong na isa pang sasakyan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Isinugod pa sa Estrella Hospital ang biktimang si Jaypee Gonzales, 31, ngunit idineklarang dead on arrival habang hawak na ng pulisya ang driver ng isang Isuzu truck na may plakang ABJ-8622, na si Arnold Andres, 25-anyos.

Ayon sa ulat ni Pat. Ralph Jayson Santos ng Silang Police, dakong alas-12:05 noong Lunes ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang kahabaan ng Tagaytay-Sta Rosa Road patungo sa south direction ngunit pagsapit sa Brgy. Tartaria, Silang nang tinangka ng driver ng truck na mag-overtake.

Ngunit nakasalubong ng truck ang parating na isang sasakyan kaya upang makaiwas ay pumihit kaya nabangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment