Sa halos dalawang buwan LAGUNA COVID CASES ‘DI BUMABABA

0

LAGUNA – Halos dalawang buwan nang hindi bumababa ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lalawigan, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad.

Ayon kay Dr. Bagamasbad, naglalaro sa 200 hanggang 300 kada araw ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso na naitatala sa probinsya.

Mahigit 4,000 ang active cases, 80 porsyento rito ay galing sa mga lungsod ng San Pedro, Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao, Calamba at San Pablo.

Ayon kay Dr. Bagamasbad, ang lungsod ng Calamba ang may pinakamarami na may 1,700 kaso. Sa kanilang obserbasyon, ito ay dahil sa pagluluwag ng quarantine restrictions.

Isa ring nakikitang dahilan ay ang paggalaw ng authorized persons outside residence o APORs na maaring nakapag-uuwi ng sakit mula sa kanilang trabaho

Sa huling datos na inilabas ng Department of Health 4-A noong Martes, naitala ang 16,618 active cases, sa bilang na ito ay 821 ang bagong kaso. Umabot na sa 151,554 ang nakarekober at 5,008 ang mga namatay sa sakit.

Nangunguna ang probinsya ng Cavite na may 4,940 active cases; Laguna na may 4,536 active cases; Quezon, 2,300; Batangas, 2,296; Rizal, 2,291, at Lucena City, 255. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment