SARANGGANI NILINDOL MULI

saranggani1

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 5.1 magnitude earthquake ang tumama kahapon sa bayan ng Saranggani sa Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang inaasahang aftershocks bagamat may kalakasan ang pagyanig.

Sa monitoring ng ahensya  alas 9:00 ng umaga nang maramdaman ang lindol na na may lalim na 175km.

Sinabi ng Phivolcs na walang pinsalang naitala sa naganap na lindol.

Matatandaan na noong nakaraang Enero ay isang 5.9 quake din ang naitala sa nasabing bayan.

6

Related posts

Leave a Comment