SEKYU TODAS SA PLASTIC NA BUBONG

CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na security guard makaraang lumusot at mahulog mula sa rooftop ng isang gusali nang tumapak sa plastic na bubong sa bayan ng Silang.

Hindi umabot nang buhay sa UMC Hospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Jake Manaligan, tubong Negros Occidental, naka-duty sa Taifini Company Inc, at residente ng Navarro St., Brgy. San Gabriel General Mariano Alvarez (GMA), Cavite .

Sa ulat ni P/SMSgt. Glenn Soriano ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga noong Martes umakyat ang biktima sa rooftop ng gusali ng kompanya sa Brgy. Maguyam, Silang ngunit hindi napansin na plastik na bubong ang kanyang natapakan kaya lumusot siya at nahulog. (SIGFRED ADSUARA)

95

Related posts

Leave a Comment