SERBISYO SA TAGA-MONTALBAN PINABILIS NI NOGRALES

BINISITA ang Amityville Subd., Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ni Congressman Fidel Nograles upang maghatid ng tulong pinansyal, tulong pangkabuhayan, tulong medikal, at tulong pang-edukasyon sa mga residente sa nasabing lugar.

Mahigit dalawang libong kapos-palad nating senior citizens, kababaihan, at mag-aaral ang nabigyan ng ayuda mula sa mambabatas ng Montalban.

Ayon pa sa kanya, alam niyang mahirap ang buhay ngayon, kaya sa pinansyal o personal na problema, ginagawa niya ang lahat upang kahit papaano ay makatulong siya agad, at patuloy siyang kumikilos upang matugunan ang mga kahilingan ng ating mga kababayan.

Binanggit pa niya na umarangkada na rin ang susunod na batch ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged (TUPAD) workers para sa kapos-palad na senior citizens, mga kababaihan, PWD, at solo parents.

“Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa inyong pagsusumikap upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at itaguyod ang clean-up drive, declogging, at serbisyong pangkalikasan. Katuwang po namin kayo na isulong ang bayanihan sa programang pangkalinisan para sa ating kaunlaran,” pahayag pa ni Nograles.

Binabati rin niya ang susunod na batch ng Forward Negosyo food cart vendors. Aniya, “Bagama’t alam po natin na matumal ang negosyo ngayon, ipamalas pa rin po natin ang angking sipag, tiyaga, at pagpupunyagi sa panininda, at siguradong aasenso po ang ating kabuhayan”.

Binanggit pa niya, “Anoman ang pagsubok, palagi po tayong magsikap, at magtiwala na lahat ng hadlang sa negosyo ay may solusyon”.

Idinagdag pa niya, “Lagi po nandito ang inyong lingkod upang tumulong at sumuporta sa inyong kabuhayan”. (JOEL O. AMONGO)

23

Related posts

Leave a Comment