SHELLFISH BAWAL MUNA KAININ SA 4 NA LALAWIGAN

red

(NI ANNIE PINEDA)

NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mahigpit na ipinagbabawal munang kainin ang kahit na anong uri ng pagkain sa shellfish sa apat na mga lugar sa probinsya , iniulat nitong Linggo.

Ayon sa BFAR, nagpositibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, at coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City, Bohol pati na ang Balite Bay, Mati City, Davao Oriental.

Sinabi pa ng ahensya, lumagpas sa regulatory limit ang paralytic shellfish poison ng mga lamang dagat sa nabanggit na mga lugar.

Maari naman kainin ang iba pang laman dagat gaya ng isda, pusit, hipon, pero kailangan linisin maigi at lutuan ng maayos para maiwasan ang pagkalason.

 

208

Related posts

Leave a Comment