SOCO SUMAKLOLO SA MGA MAY HIKA

KUNG sa mga insidente ng krimen, unang sumusugod ang Scene of the Crime Operatives (SOCO), sa panahon ng pandemia, ipinakita ng kanilang grupo na handa rin silang tumulong sa mga nangangailangan partikular sa mga may hika.

Ayon kay Maj Oliver Detchitan ng SOCO-Imus at Team Leader, 10 nebulizer na nagkakahalaga ng mahigit P10K ang ibinigay ng kanilang grupo sa mga residenteng may hika sa Barangay Tirona sa Gen Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Bahagi ng programa ng nasabing barangay sa pamumuno ni Brgy Chairman Dennis Ayala ang pagkakaroon ng nebulizer subalit sa dami ng mga nangangailangan nito ngayong panahon ng pandemya ay nasira ang mga ito.

Sinabi naman ni LtCol Jericho Cordero, hepe ng SOCO na bukod sa nebulizer, namigay rin ang kanyang grupo ng mga libro na ilalagay sa mini library ng barangay na maaaring hiramin ng mga kabataan upang basahin lalo sa panahon ng quarantine.

Bukod pa rito, namigay rin ang SOCO-Imus ng mga alcohol, face mask at iba pang pangangailangan sa Philippine General Hospital (PGH) at may scholarship program din sila sa anak ng namatay nilang striker. Katuwang ng SOCO-Imus sa kanilang mga programa ang Gamma Epsilon Fraternity. SIGFRED ADSUARA

74

Related posts

Leave a Comment