STATE OF CALAMITY VS DENGUE SA S. COTABATO

scotabato42

(NI BONG PAULO)

ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong lalawigan ng South Cotabato matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa inilunsad na special session ang resolution no.1 series of 2019 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC dahil sa dengue outbreak.

Sa datos ng PDRRMC, umakyat na sa 3,348 ang kaso ng dengue sa probinsya, mataas ng 149% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa ngayon, 21 na ang binawian ng buhay sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Renette Bergado, OIC ng PDRRMO, gagamitin ang first at second quarter disaster quick response fund na P31 million ngayong taon para sa pagbili ng fogging at misting machine, chemicals para sa gagawing massive Information Education Campaign, pagbili ng NS 1 kit para sa early detection at purchase ng blood platelet separator.

Matatandaan na una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Surallah, Tantangan, Norala, Banga at Sto.Niño.

172

Related posts

Leave a Comment