SUNDALONG TRAINEE BUMAGSAK, PATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang candidate soldier na nag-collapsed habang sumasailalim sa swimming lesson sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Unang isinugod sa Medical Dispensary saka inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Candidate Soldier Joel V. Jimena.

Ayon sa naantalang ulat, sumailalim sa Swimming Lesson with Practical Application ang mga sundalo kabilang si Jimena sa Katungkulan Beach Marine Barracks sa Gregorio Lim, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite bandang alas-7:10 umaga nang bigla umano itong bumagsak.

Isinugod sa Medical Dispensary ang biktima para sa pansamantalang lunas saka ito inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital subalit idineklarang patay na bandang alas-8:30 ng umaga ng nasabi ring araw. (SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment