(NI JEDI PIA REYES)
NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang Surigao Del Norte, Linggo ng umaga.
Dakong alas-8:16 ng umaga nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig sa layong 29-kilometro Hilagang-Kanlurang ng munisipalidad ng Burgos.
May lalim na 25-kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity II sa Borongan City sa Eastern Samar.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsala dahil sa lindol.
Nabatid din mula kay Sancina Sulapas, ng Burgos Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na wala pang naiuulat sa kanila na ano mang pinsala dahil sa lindol.
“Nag-iikot po ako at tinatanong yung residente kung naramdaman ba nila at kung may pinsala. Wala naman po, sa awa ng Diyos,” ayon kay Sulapas.
142