NIYUGYOG ng 4.2 magnitude na lindol ang Surigao del Sur nitong Martes ng umaga (Agosto 20), iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig sa hilaga-silangan ng Lingig, Surigao del Sur dakong alas-5:59 ng umaga.
Ayon pa sa Phivolcs, ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 019 kilometro at ang origin ay tectonic.
Nabatid pa sa Phivolcs na naramdaman ang Intensity 1 na pagyanig sa City of Bislig, Surigao del Sur.
Wala namang iniulat na pinsala o inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig. (PAOLO SANTOS)
56