SUV NG SUSPECTS SA MISSING BEAUTY QUEEN, PARTNER; NATAGPUAN SA TARLAC

NATAGPUAN sa Sitio Barbon, Tibag, Tarlac City ang abandonadong SUV na pinaniniwalaang sasakyan ng mga ‘person of interest’ sa pagkawala ng Kapampangan beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitzhak Cohen.

Bandang alas-8 ng gabi noong Linggo nang matagpuan ng mga operatiba ng CIDG ang abandonadong sasakyan habang nakaparada sa gilid ng isang bahay.

Ang SUV na isang puting Nissan Terra na may plakang NGN 9240, ay pinaniniwalaang sasakyan ng POIs na sangkot sa pagkawala ng dalawa.

Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng impormasyong ang mga awtoridad mula sa reliable sources hinggil sa abandoned vehicle.

Ito ang sinasabing ikatlong sasakyan na nakitang ka-convoy ng sasakyan ng nawawalang magkasintahan at ng middleman, nang ang mga ito ay pumunta sa binibiling lupa ng magkasintahan sa Brgy. Armenia, Tarlac City noong Hunyo 21 ng hapon.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga awtoridad at kinakausap na rin ang mga posibleng nakakita sa lugar.

Nakatakdang i-turnover sa HPG ang recovered abandoned vehicle na naka-rehistro sa isang lalaking residente ng Bacoor, Cavite. (NILOU DEL CARMEN)

70

Related posts

Leave a Comment