Sa temang, “ππ’π¨π¬π’π¬π’πͺπ΄π’, ππΆππ°π―π¨-π΅πΆππ°π―π¨ π΄π’ ππͺπ¨π’π―π΅π¦π―π¨ ππ’π¨π΄πΆππ°π―π¨. ππ¦π¦π± ππ°π·πͺπ―π¨ ππ―π¨π°π―π° π―π’ ππ’πΊ ππΆπ΄π°,” ang Pamahalaang Bayan ng Angono ay magdiriwang ng mas pinahitik na Higantes and Arts Festival 2024.
Ang opisyal na paglulunsad ay gaganapin ngayong ika-31 ng Oktubre kasabay ng pagsasapubliko ng Higantes Festival Calendar of Activities.
Alinsunod sa tema, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang pagkakaisa at bayanihan ng mga taga-Angono sa pagsulong at pagLIPAD sa pinakamataas upang maabot ang mithiin bilang isang bayan.
Sa ika-17 ng Nobyembre, ang pagdiriwang ay sisimulan sa taunang parada sa umaga kasunod ang Higantes Stop Dance at mga opening and guest performances. Pagsapit ng hapon, maglalaban-laban ang mga banda sa Marching Band Competition, Fancy Drill Competition, Majorette Group Competition, at Majorette Solo Competition, na susundan ng Parehadora’s Street Dance Competition.
Sa gabi gaganapin ang pagkilala sa mga magwawagi na susundan ng isang fireworks display. Ang lokal na pamahalaan ng Angono ay magdadala ng promosyon sa mga natatanging produkto ng bayan na makikita sa Pasalubong Center ng Tourism Office. Patok din ang kakaibang delicacy na ‘fried itik’ β isang inspirasyon para naman sa gaganaping Fried Itik Cooking Contest na itinakda sa Nobyembre 11, 2024 sa Plaza Rizal.
Ang taunang pagdiriwang ay isang paraan ng pasasalamat ng pamahalaan mula sa lahat ng biyayang natatanggap sa buong taon.
Ang Higantes Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo bago ang Kapistahan ng patrong San Clemente na ginaganap tuwing Nobyembre 22-23. Marami pang mga kapanapanabik na kaganapan ang dapat abangan. Para sa iba pang detalye, makipag-ugnayan kay Ms. Tracy Vicente, Head, Tourism Office o kay Mr. John Robert Ducabo, Head, Youth Development and Information Division sa pamamagitan ng opisyal na Facebook pages Angono Tourism at Angono Public Information Office.
Maaari rin magpadala ng mensahe sa email address na ito: biancamarcial.angonopio@gmail.com o kaya magtext sa numerong 0919-082-8093.
73