TAUHAN NG PCG, PATAY SA AKSIDENTE SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard habang sugatan ang anim na iba matapos magpaikot-ikot saka tumaob ang sinasakyan nilang van sa Star Tollway ng bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, iniulat nitong Miyerkoles.

Ayon sa PCG, dead on arrival sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center si Coast Guard Apprentice Seaman (ASN) Cenen Epetito.

Habang inoobserbahan si Coast Guard ASN Adrian Añonuevo na dumanas ng minor hematoma at nananatiling nasa ICU ng ospital.

Kabilang din sa mga nasugatan sina Seaman Second Class (SN2) Pacifico Casipi, SN2 Erdie Rojales, ASN Rouin Alvarez, ASN John Kristopher Mojica, at Candidate Coast Guard Man (CCGM) Mc Lester Saguid. (RENE CRISOSTOMO)

67

Related posts

Leave a Comment