PATULOY ang pagdami ng pagpaaabot ng kahandaang makipagtulungan at maging testigo sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe. Inamin ng Philippine National Police na ilang katao na ang tumawag o nag text para sa agarang paglutas sa kaso.
Ang inaasahang paglutang ng mga testigo ay magandang development sa kaso dahil mas mabibigyan umano ng linaw ang pagpaslang kay Batocabe at aide na si SPO3 Orlando Diaz
Umaasa naman ang pamilya Batocabe na mabilis na malulutas ang kaso dahil sa pinakabagong development na ito. Naglaan ng umaabot sa P50-M reward sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng detalye sa pagpatay sa kongresista na binaril matapos ang gift giving event sa Daraga, Albay noong December 22.
171