TOP 12 MWP SA BANSA TIMBOG SA REGION 3

TARLAC – Nakorner ng pulisya ang top 12 national level most wanted person (MWP) na may patong na kalahating milyong sa kanyang ulo at nagtago ng halos dalawang dekada, nang salakayin ng pulisya na armado ng warrant of arrest, ang kanyang hide-out sa Barangay O’Donnell sa bayan ng Capas sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Police Office (PRO3), ang suspek na si Mario Valerio y Ponce alyas Ruben Basa, 54, may asawa ng Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac, top 12 MWP sa bansa dahil sa kasong kidnapping for ransom.

Ang suspek na si Valerio ay nadakip sa kanyang pinagtataguan matapos salakayin nang pinagsanib na puwersa ng Capas Municipal Police at Regional Inteligence Unit 3 matapos makipagkoordinasyon sa PNP Anti-Kidnapping Group na armado ng warrant of arrest, ang kanyang hide-out sa Capas, Tarlac.

Nabatid na taong 2003 pa lumabas ang alias warrant of arrest para sa suspek ngunit nagawa nitong magtago at makapagtrabaho sa ibang bansa gamit ang iba’t ibang pangalan.

Ngunit dahil sa P500,000 na patong sa ulo ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa kinaroroonan ng suspek na naging dahilan ng pagdakip sa kanya. (GINA BORLONGAN)

 

142

Related posts

Leave a Comment