TRAFFIC ENFORCER PATAY, 4 PA HULI SA BUY-BUST

BULACAN – Patay ang isang traffic enforcer na hinihinlang drug pusher makaraang kumasa sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa San Jose del Monte City habang dalawang kasama nito ang nadakip at dalawa pang drug suspect ang naaresto sa anti-drug operation sa mga bayan ng Balagtas at San Miguel, pawang ng lalawigang ito noong Biyernes.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Tigpas Jr., traffic enforcer, habang nadakip ang kanyang dalawang kasama na sina Marilou Alday at John Carl Docul, pawang mga residente ng San Jose del Monte City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng SJDM City Police sa Block 7, Barangay Gumaoc Central ng nasabing lungsod.

Ngunit nang makatunog ang suspek na pulis ang katransaksyon ay nagpaputok naging dahilan upang gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay habang nadakip ang dalawa niyang kasama.

Samantalla, kinilala naman nina P/Major Ronnie Pascua, Balagtas police chief, at P/Lt. Col. Voltaire Rivera, chief of police ng San Miguel police Station, ang dalawa pang nadakip na umano’y tulak na sina Mhar Richard Ernest Yuson at Gerry Toyco, kapwa nasa PNP/PPDEA unified watchlist, at nadakip sa Barangay Santol, Balagtas at Poblacion, San Miguel. (GINA BORLONGAN)

68

Related posts

Leave a Comment