TUMANGAY NG MOTORSIKLO, MENOR DE EDAD ARESTADO

CAVITE – Hawak na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang isang 13-anyos na binatilyo na tumangay sa isang motorsiklo na nakaparada sa isang gasolinahan sa Gen. Trias City.

Nasakote ng General Trias Component City Police Station ang isang 13-anyos na suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na isang 17-anyos na binatilyo.

Ayon sa biktimang si alyas “Salvador”, isang pump attendant, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo na isang Honda TMX CCG125WHF, sa parking space ng gasoline station sa Brgy. Tejero, Gen Trias City, bandang alas-4:30 ng madaling araw noong Sabado ngunit pagbalik

nito kinagabihan ay nawawala na ito.

Ayon sa imbestigasyon, nabatid na sinira ng mga suspek ang switch ng ignition key nito gamit ang isang gunting at tinangay ang kanyang motorsiklo.

Agad nagsagawa ng operasyon ang pulisya na nagresuta sa pagkakaaresto sa 13-anyos na suspek at narekor ang motorsiklo ng biktima, habang pinaghahanap ang isa pang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment