UMIWAS SA LTO CHECKPOINT, BUKING SA DROGA

0

QUEZON – Arestado ang isang van driver makaraang madiskubre ang dala nitong ilegal na droga nang habulin ng mga awtoridad matapos iwasan ang LTO checkpoint sa bayan ng Tiaong, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang arestadong driver na si Jerico Cruz Dineros.

Batay sa report ng Tiaong Police, bandang alas-10:00 ng umaga, biglang minaniobra pabalik ng suspek ang minamanehong Nissan Urban nang matanaw ang checkpoint ng LTO sa Maharlika Highway.

Dahil sa kaduda-dudang ginawa ng driver, hinabol ito ng mga tauhan ng LTO. Sa pagmamadali ay sumalpok ang van sa likod ng kotseng Hyundai Accent. Ngunit hindi pa rin ito huminto hanggang sumalpok itong muli sa kongkretong poste.

Nang dumating ang mga tauhan ng Tiaong Police ay pinababa ang driver na nagresulta upang madiskubre ang isang sachet ng shabu sa kanyang bag na naging dahilan upang siya ay arestuhin. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment